Napakaliit umano ang ₱85 na dagdag-sahod para sa mga manggagawa sa National Capital Region (NCR) na unti-unti pang ipapatupad.
Ayon kay House Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Rep. Sarah Elago, kakainin lang ito ng 12% Value Added Tax o VAT at iba pang buwis sa bawat produkto at serbisyong kailangang bilhin ng mga manggagawa.
Sinabi ni Elago na ang pinakamabigat na pasanin ay bumabagsak sa mga manggagawa at sa mga kababaihang siyang pangunahing nagbabadyet at nag-aalaga sa kanilang pamilya.
Dahil dito ay isinusulong niya ang panukalang batas na itaas sa ₱1,200 ang daily minimum wage sa buong bansa.
Ipinanukala rin niya na alisin ang 12% VAT sa kuryente, tubig, toll fees, produktong petrolyo, at iba pangunahing pangangailangan, gayundin ang excise tax sa langis.










