Inakusahan ni Ukraine President Volodymyr Zelenskyy ang Russia na makailang ulit nilang tinarget ang sinakyan nitong eroplano.

Inihalimbawa nito noong ito ay nasa Moldova kung saan nandoon ang kaniyang presidential jet ay nagsagawa rin ng drone attack ang Russia sa nasabing bansa.

Pagbalik din nito sa Ukraine ay hindi pa rin tumigil ang Russia sa pag-atake sa eroplano ng Ukraine President.

--Ads--

Una ng sinabi rin ni Norweigan Prime Minister Jonas Gahr na muntik ng tamaan ang eroplano ni Zelenskyy ng drone habang ito ay nasa airspace ng Moldova.

Patungo noon ang Ukraine president sa Oslo ,Norway ng mangyari ang pag-atake.

Wala namang nasaktan sa mga miyembro ng presidential delegations kung saan lahat sila ay ligtas.