Umani ng atensyon ang planong dagdag na 1.4 milyong Singapore dollars sa taunang kita ng isang lider—ang Prime Minister ng Singapore na si Lawrence Wong.
Inanunsyo ng pamahalaan ng Singapore na itataas ang taunang sahod ng mga ministro at iba pang matataas na opisyal ng pamahalaan. Dahil dito, mula sa kasalukuyang S$2.2 milyon, tataas sa S$3.6 milyon ang taunang compensation package ni Wong, katumbas ng mahigit 60 porsiyentong dagdag o humigit-kumulang $1.1 milyon.
Ipinaliwanag ni Wong na kinakailangan ang mas mataas na sahod upang makahikayat ng mas mahuhusay na talento na maglingkod sa pamahalaan. Matagal na ring ipinapaliwanag ng Singaporean government na ang mataas na suweldo ng mga opisyal ay makatutulong upang mabawasan ang panganib ng korapsyon.
Gayunman, naging sentro ng batikos ang naturang hakbang sa Singapore, lalo na sa gitna ng pangamba ng mga mamamayan tungkol sa seguridad sa trabaho at patuloy na pagtaas ng gastusin sa pamumuhay.
Sa kabila nito, hindi umano direktang mapupunta sa kanyang sarili ang buong dagdag na kita. Sinabi ni Wong na ibibigay niya sa charity ang kanyang dagdag-sahod sa loob ng susunod na limang taon.
Kahit bago pa ipatupad ang dagdag-sahod, nananatili si Wong bilang pinakamataas ang kinikitang political leader sa mundo. Kasunod niya si Hong Kong Chief Executive John Lee, na kumikita ng humigit-kumulang $719,000 bawat taon, at Swiss President Guy Parmelin, na may taunang kita na $606,000.
Samantala, ang US President Donald Trump ay tumatanggap ng $400,000 bawat taon, habang ang British Prime Minister Andy Burnham ay kumikita ng $230,000.










