Pinagaaralan ng Regional Tripartite Wage Boards ang mga posibleng dagdag-sahod sa kani-kanilang lugar, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Sa pakikipag-usap sa mga mamamahayag sa kanyang pagbisita sa Pulilan, Bulacan, sinabi ni Pangulong Marcos na tinatasa ng mga wage board ang mga presyo at kalagayang pang-ekonomiya sa bawat rehiyon upang matukoy kung nananatiling angkop ang kasalukuyang antas ng sahod o kung kailangan na itong dagdagan.

Aniya, ang mga rekomendasyon ay inaasahang ilalabas sa Setyembre o Oktubre.
Tinukoy ni PBBM ang kamakailang inaprubahang makasaysayang P85 daily minimum wage hike para sa mga manggagawa sa National Capital Region (NCR).

--Ads--

Aniya, pag-aaralan ng pamahalaan ang mga rekomendasyon upang matiyak ang mga wage adjustment na higit na makatutulong sa mga manggagawa habang isinasaalang-alang ang kalagayan ng bawat rehiyon.

Ang NCR wage increase ay ipatutupad sa dalawang bigay: P60 sa Hulyo 19 at ang nalalabing P25 ay sa Enero 20, 2027.

Ang adjustment ay nagtataas sa daily minimum wage sa P780 para sa non-agriculture workers at P743 para sa agricultural workers at yaong mga nasa retail o service establishments na mayroong hindi hihigit sa 15 empleyado.