BOMBO DAGUPAN – Tinuldukan ng celebrity couple na sina Cristine Reyes at Marco Gumabao ang usap-usapang nagkakalabuan na sila.

Ito ay matapos mag-deactivate si Cristine ng kanyang Instagram account nitong nakaraang Miyerkules ng gabi dahil iyon ang araw ng 30th birthday ng kanyang nobyo.

Nagdulot naman ito ng pag-aalala sa mga fans dahil mukhang hindi magkasama ang dalawa.

--Ads--

Nitong August 16, 2024 naman ay nagbahagi sa Facebook si Cristine ng hugging photo nila ng boyfriend na si Marco at sa isa pang larawan, makikitang kasama niya ang amang si Romeo Reyes.

Batay sa caption nakalagay “lunch and dinner dates are a must on their shared birth date!” na may kasama pang heart emoji

Samantala, sa kanya namang Instagram Story, nag-share si Marco ng short video kung saan nag-toast sila ni Cristine ng wine.

Nakasulat naman sa caption nito, “Cheers to 30!”

Bukod dito ay naka-tag din ang naka-private na Instagram account ni Cristine.