Umabot sa 16 ang naconfiscate na firearms sa rehiyon uno na may kinalaman naman sa election gun ban.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Pltcol. Benigno Sumawang Chief, Regional Public Information Office-PRO1 ang mga ito ay nakumpiska sa pamamagitan ng police response, public operation at buybust operation.
Aniya na majority sa mga nakumpiska ay nagmula sa lalawigan ng Pangasinan at minimal lamang sa La Union at sa Ilocos.
Lubos din ang konsentrasyon ng kapulisan sa pagsasagawa ng mga checkpoint sa buong rehiyon.
Aasahan naman na magdaragdag ng bilang ng kapulisan lalo na sa mga areas of concern sa darating na elekisyon upang mapanatili itong mapayapa.
Habang isinasagawa naman ang Patrol 101 kung saan tutukan ng mga pulis na nakatalaga sa kani-kanilang lugar gayong sila ang may reponsibilidad sa kanilang pinagkatalagahan.
Samantala, patuloy naman ang pakikipag-ugnayan nila sa mga stakeholders at sa mga komunidad upang magbigay ng mga impormasyon kaya’t umaasa sila sa kooperasyon ng bawat isa upang mapanatiling tahimik ang nalalapit na eleksiyon.
Gayundin ang pagsunod sa mga alituntunin at batas hinggil dito.