Inihayag ng Commission on Elections (COMELEC) sa Umingan na wala pang nagaganap o nangyayaring mga campaign rally o personal appearance ng mga kandidato para sa mga pambansang posisyon ngayong eleksyon sa kanilang nasasakupan
Matatandaan na nagsimula ang campaign period para sa mga kandidato sa pagkasenador at partylist noong Pebrero 11.
Sa ibang bahagi ng bansa, nagsasagawa na ng mga rally at motorcade ang mga kandidato habang dito sa Pangasinan, may mga kandidato na ring dumalaw sa San Carlos City at Dagupan City.
Ayon kay Jinky Tabag, Election Officer ng COMELEC-Umingan, tahimik pa rin ang kanilang bayan dahil wala pang mga kandidato para sa pambansang posisyon ang nagpapakita.
Sinabi rin niya na ang mga nangangampanya sa bawat barangay ay mga indibidwal o campaigners ng mga kandidato lamang.
Sa kabila ng tahimik na sitwasyon sa kampanya, patuloy ang paghahanda ng COMELEC-Umingan para sa halalan.
Samantala, Nakarating na sa kanilang tanggapan ang mga posted computerized voters list (PCVL) na ilalagay sa labas ng mga polling centers at iba pang lugar.
Magkakaroon din ng mga training para sa mga poll workers o electoral board sa susunod na linggo na kanila ding pinaghahandaan.