Binatikos ng Department of National Defense (DND) ang naging tugon ng Chinese Embassy sa naunang pahayag ni Defense Secretary Gilberto Teodoro kaugnay ng mga komento ng Chinese Ministry of Foreign Affairs.

Sa isang statement na inilabas ng defense department, inihayag nito na sa halip na magbigay ng malinaw na sagot, puro tanong at retorika ang inilabas ng Chinese Embassy.

Tinawag nila itong isang paraan ng pag-iwas sa isyu at sinabing hindi nito maitatago ang umano’y maling impormasyon.

--Ads--

” This is a classic example of evasiveness and a badge of deception. This is in legal practice an implied admission of culpability. They cannot hide behind their disingenuous misinformation,” pahayag ni Sec. Teodoro.

Binigyang-diin ng kalihim na hindi magpapaloko ang mga Pilipino sa mga maling naratibo ng China.

Tinawag namani ni Sec. Teodoro ang pinakabagong pahayag ng China laban sa kaniya ay isang klasikong “squid tactic” – maling impormasyon sa pamamagitan ng pag-iwas.

“Di tayo pasisiil!” ani Sec. Teodoro.