DAGUPAN CITY- Nagsagawa ng Simulation Exercise o SIMEX ang mga tauhan ng Calasiao Police Station sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL Rodel C. Gabatin, Officer-in-Charge, bilang bahagi ng pagpapalakas ng kanilang kahandaan sa pagtugon sa iba’t ibang insidente at emerhensiya.

Layunin ng naturang aktibidad na mapahusay ang operational readiness ng kapulisan, mapaigting ang koordinasyon ng mga yunit, at mas mapalawak pa ang kakayahan ng mga tauhan sa mabilis at epektibong pagresponde sa mga totoong sitwasyon ng sakuna at pagpapatupad ng batas.

Sa pamamagitan ng simulation exercise, sinubok ang kakayahan ng bawat personnel sa wastong paghawak ng mga kritikal na insidente, kabilang ang pagresponde sa emergency situations at pagpapanatili ng kaayusan at seguridad ng komunidad.

--Ads--

Naniniwala naman ang pamunuan ng himpilan na mahalaga ang ganitong uri ng pagsasanay upang matiyak na laging handa ang mga pulis sa anumang banta o panganib na maaaring kaharapin ng publiko.