DAGUPAN CITY- Ipinagmamalaki ng Bombo Radyo Philippines ang panibagong tagumpay matapos masungkit ang dalawang pangunahing parangal sa 28th Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) Golden Dove Awards, sa pamamagitan ng aming flagship station na Bombo Radyo Iloilo.
Kinilala ang Bombo Radyo Iloilo bilang Best AM Station – Provincial, habang ang morning news program na Bombo News and Views Morning Edition ay itinanghal namang Best Newscast – Provincial.
Narito ang opisyal na anunsyo: Best Newscast – Provincial: Bombo News and Views Morning Edition Best AM Station – Provincial: Bombo Radyo Iloilo Ngayong taon, siyam (9) na programa ng Bombo Radyo Philippines ang napili bilang mga finalist sa iba’t ibang kategorya—isang pambihirang tagumpay na nagpapakita ng walang humpay na pagtutok ng network sa kahusayan sa larangan ng broadcast journalism at public service.
Mga finalist mula sa Bombo Radyo Philippines:
• Best Newscast – Metro Manila: Bombo Network News (BNN) Best FM Station-Metro Manila: Star FM Manila
• Best Special Program: Star FM Manila at Bombo Radyo Cauayan
• Best Culture and the Arts Program: Bombo Radyo Iloilo
• Best Science and Technology Program: Bombo Radyo Iloilo
• Best Sports Program: Star FM Baguio Ang mga parangal na ito ay patunay sa dedikasyon ng Bombo Radyo Philippines sa paghahatid ng dekalidad at makabuluhang mga programa.
Ang tagumpay na ito ay hindi lamang bunga ng sipag at husay ng mga taong nasa likod ng mikropono, kundi isang handog din sa aming mga tagapakinig , viewers at tagasubaybay sa buong bansa at sa iba’t ibang panig ng mundo.
Basta Radyo, Bombo!