BOMBO DAGUPAN -Wala pang lead ang Bolinao PNP kung kanino galing ang natagpuang illegal na droga na nakasilid sa box na palutang lutang sa karagatan ng Bolinao.

Ayon kay PLT. Col. Radino Belly, chief of police sa Bolinao PNP, nitong nakalipas na 2 linggo isang box na naglalaman ng humigit kumulang 600 grams ng shabu ang ipinasakamay sa kanila ng mga mangingisda na nakahanap nito.

Napasuri na rin ang forensic group at nagpositibo ito.

--Ads--

Ito ay nakita ng mga mangingisda humigit – kumulang 5 nautical miles ang layo sa shoreline.

Samantala ang naireport namang kamakailan lamang na drum na natagpuan din sa nasabing karagatan ay nagnegatibo at naglalaman lamang ng diesel.

Samantala, nanawagan siya sa mga mangingisda at mga residente na kung may makita o mamonitor silang bagay na palutang lutang sa dagat ay ipagbigay alam sa kanila.