Opisyal nang inanunsyo ng K-Pop sensation na BLACKPINK, na binubuo nina Jisoo, Jennie, Rosé, at Lisa, ang pamagat ng kanilang nalalapit na concert tour: “Deadline.”

Ibinahagi ng grupo ang anunsyo sa pamamagitan ng kanilang mga social media platforms, na agad namang nagpasabik sa mga tagahanga sa buong mundo.

Agad namang nag-react online ang mga BLINK (tawag sa fandom ng BLACKPINK)—mula sa matinding kasabikan, hanggang sa mga teorya kung ano ang maaaring kahulugan ng “Deadline” pagdating sa kanilang musika o direksyon ng karera.

--Ads--

Wala pa namang karagdagang detalye ang inilalabas tungkol sa schedule o konsepto ng tour, ngunit dama na ang matinding pananabik ng mga tagahanga.