Dagupan City – Nagpulong ang Pamahalaang Bayan ng Binmaley kasama ang mga Punong Barangay at Barangay Disaster Risk Reduction and Management Committees (BDRRMCs) upang mapabilis ang pagtugon sa mga pamilyang naapektuhan ng patuloy na pag-ulan at pagbaha sa bayan.

Pinangunahan ni Mayor Pedro A. Merrera III ang pagpupulong na nakatuon sa agarang pagtataya at pagpapatunay ng datos ng mga apektadong pamilya.

Layunin nitong matiyak na tama, kumpleto at napapanahon ang mga talaang gagamiting batayan sa pagbibigay ng kaukulang tulong at suporta.

--Ads--

Binigyang-diin din ang patuloy na koordinasyon ng mga barangay at municipal offices upang mabilis na matukoy ang mga lugar at pamilyang nangangailangan ng agarang assistance.

Kabilang dito ang regular na pagsusumite ng updated reports upang maging mas episyente ang pagtugon ng lokal na pamahalaan.

Patuloy namang nakatutok ang Binmaley LGU sa disaster response at monitoring habang nagpapatuloy ang pag-ulan, kasabay ng paghahanda sa iba pang posibleng epekto ng pagbaha sa mga komunidad.