Dagupan City – Marami ang umaray nang ialbas ng P-pop girl group na BIBI ang presyo ng kanilang tickets sa gaganaping Grand BINIverse concert ng mga ito.

Kamakailan lang kasi nang opisyal na inilabas ng concert organizer ang presyo ng mga tickets, kung saan ang pinakamahal ay nasa higit P11,000 at ang pinakamura naman ay nagkakahalaga ng mahigit P1,000.

Dahil dito, ilan sa mga fans ang umapela dahil sa masyadong mahal ng presyo ng tickets at sinasabing tila ba katapat na nito ang ticket prices ng mga international KPOP group.

--Ads--

Daing ng ilan, karamihan sa mga fans ng girl group ay mga estudyante na wala pang mga trabaho, kung kaya’t humihirit sila na dapat ay pang-masa ang ticket.

Ang ticekt selling ay magsisimula sa darating na Agosto 20 hanggang 31. Habang gaganapin naman ang nasabing grand concert ng grupo sa darating na Nobyembre 16 at 17 sa Araneta Coliseum.

Ang BINI ay umingay matapos na pasikatin ng grupo ang mga kantang gaya ng “Pantropiko”, “Salamin” at maraming iba pa.