Sinimulan na ng Binalonan Police Station ang pagdalawa sa mga resort at ilang barangay sa bayan bilang paghahanda sa kanilang Oplan Ligtas SuMVac 2025 at Semana Santa.

Nagbigay sila ng mga flyers at nakipag-usap sa bawat indibidwal sa mga lugar na kanilang napupuntahan para maihatid ang mga impormasyong kailangan nilang malaman.

Naglalayon kasi ang pagbisita na magkaroon ng kaalaman ang publiko sa mga hakbang na gagawin ng kapulisan para maiwasan ang krimen na maaring mangyari sa isang linggong kaganapan.

--Ads--

Giit naman ng mga pulis na kailangan ng pagtutulungan ng bawat isa para maabot ang ligtas na paggunita ng mahal na araw.

Ipinapakita ng inisyatibang ito sa patuloy na pagsisikap ng pulisya na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad.