DAGUPAN CITY- Mga Kabombo! Hindi na bago sa atin ang mga ulat tungkol sa mga tumatakas sa bilangguan.

Ngunit, sa likod ng mga ulat na iyan, hindi talaga mawawala ang mga epic fail moments.

Isang nakakabiglang insidente kasi ng pagtangkang pagtakas ang naganap sa isang kulungan sa Rio Branco, Brazil, matapos ma-stuck ang isang bilanggo sa butas ng pader habang sinusubukang tumakas.

--Ads--

Kinilala ang inmate na si Alan Leandro da Silva, 32 taong gulang, na natagpuang kalahating katawan ay nakausli sa pader ng kulungan, shirtless, may malaking tattoo ng demonyo sa likod, at may mga sugat at galos sa katawan.

Ayon sa ulat, sinubukan ni Alan tumakas habang abala ang mga guwardiya, ngunit mali ang kanyang tantiya sa laki ng butas na kanyang ginawa gamit lamang ang isang pako at broomstick, na ayon sa kanya ay inukit sa loob ng dalawang araw.

Nang mapansin ng mga guwardiya ang kakaibang kilos sa kanyang selda, agad silang tumawag ng mga bumbero.

Hindi pa malinaw kung paano nakuha ni Alan ang mga gamit na ginamit sa kanyang pagtatangkang pagtakas.