DAGUPAN CITY- Ikinatuwa ni Dagupan City Mayor Belen Fernandez ang benepisyong hatid ng Local Government Support Fund (LGSF) sa bawat syudad na kabilang rito.
Ang pahayag ng alkalde ay kaniyang inilabas sa pagbisita ni San Juan City Mayor Francis Zamora ng Metro Manila sa syudad habang ipinagdidiwang ang Bangus Festival.
Ayon sa alkalde, ito ay pagbibigay halaga ng koordinasyon ng bawat local government.
Tiniyak naman niya na bagaman natanggap na ang pondo ay dadaan ito sa legal na proseso.
Bukod pa riyan, nagpapasalamat din si Fernandez sa nabuong sisterhood agreement ng Dagupan City at San Juan City.
Labis naman nagpapasalamat si San Juan City Mayor Zamora sa mainit na pagtanggap ng Dagupan City sa kanilang bisita.
Binigyan diin naman ng alkalde na layunin ng kasunduan ang pagpapalakas ng ugnayan ng dalawang lungsod sa larangan ng turismo, kultura, at pamamahala.
Aniya, malaking bagay ang ganitong kasunduan para sa pagbabahagi ng mga epektibong programa at inisyatiba para sa pag-unlad pa ng kani-kanilang nasasakupan.
Inaasahan naman na magbubukas pa ng maraming oportunidad sa parehong lungsod ang naturang kasunduan.










