Dagupan City – Buong-pusong ipinagdiwang ng Lokal na Pamahalaan ng Balungao ang Elderly Filipino Week 2026 bilang pagpupugay sa mahalagang papel at ambag ng mga senior citizen sa lipunan.

Ang nasabing pagtitipon na naglalayong bigyang-halaga ang dedikasyon at sakripisyo ng mga nakatatanda sa komunidad.

Isinagawa ang pagdiriwang ngayong taon na may temang “Nakatatandang Pilipino: May Halaga at Karapatan, May Boses at Ambag sa Bayan.”

Sa pamamagitan ng temang ito, muling pinagtibay ng pamahalaang lokal ang kanilang pangako na igalang ang mga karapatan at pakinggan ang boses ng bawat lolo at lola sa bayan.

Sa mensahe ng pamunuan, taos-pusong pasasalamat ang ipinaabot sa lahat ng mga senior citizen sa Balungao para sa kanilang walang katapusang pagmamahal, karunungan, at patuloy na paggabay sa mga susunod na henerasyon.