Dagupan City – Mariing ipinahayag ng barangay council ng Sonquil sa Sta. Barbara na walang opisyal na pagtaas ng pamasahe sa kanilang lugar matapos makatanggap ng mga reklamo mula sa mga pasahero.
Kabilang sa mga sumbong ang umano’y dagdag na P5 sa singil at pagtaas ng pamasahe ng tricycle na umaabot na sa P90 hanggang P120.
Ayon sa mga opisyal, kinakailangang sundin ang utos ng Pangulo na nagbabawal sa hindi awtorisadong pagtaas ng pamasahe sa gitna ng kasalukuyang krisis, kahit pa may panawagan mula sa sektor ng transportasyon.
Samantala, nabigyan na ng cash assistance ang mga miyembro ng Sonquil TODA bilang tulong sa kanilang kabuhayan.
Nagbigay rin ng babala ang barangay na agad nilang aaksyunan ang sinumang lalabag, at hinikayat ang publiko na magsumbong kung makakaranas ng labis o ilegal na paniningil.










