Dagupan City – Mga kabombo! Kayo ba’y mahilig sa anime?

Iyon bang ni minsan ay nangarap din kayong mapasok sa anime world? ‘O ‘di kaya nama’y magsuot ng mga costumes na ginagamit ng paborito ninyong mga anime character?

Aba’y ibahin ninyo ang mag-asawang sina Elva Sarte at Gian Uygongco. Dahil ang dream anime theme wedding, ginawang totoo!
Para kasi sa kanilang kasal, pinili nilang dalawa ang temang anime.

--Ads--

Bago pa man mangyari ang kanilang kasal, siniguro ng mag-asawa na mayroon silang well-excuted wedding concept.

Gaya na lamang ng pinakita sa kanilang wedding reception na kanilang napiling anime-inspired na pre-nup shoot at pre-wedding video, na nagtapos sa isang full-blast anime-inspired na love story.

Ayon sa ulat, nagbihis umano si Elva at Gian bilang mga cosplayer para sa kanilang pre-nup shoot at ang kanilang mga wedding giveaways ay mga anime-inspired din.