Kinumpirma ng kanilang pagkasawi matapos ibunyag ng isang reliable sources sa loob mismo ng tahanan ng Supreme Leader.

Ikinasa ng US at Israel ang joint combat operations sa Iran na layong patumbahi ang rehimeng Ayatollah.

Sa ngayon, wala pang inilalabas na opisyal na pahayag ang kampo ni Khamenei tungkol sa kaniyang sariling kalagayan, bagama’t una nang ibinalita ni Israel Prime Minister Netanyahu na may mga senyales na maging ang Supreme Leader ay napatay din sa nasabing pagsalakay.

--Ads--

Habang iginigiit naman ng ilang opisyal ng Islamic Revolutionary Guard Corps (IRGC) na buhay pa si Ayatollah Khamenei at ang pahayag na patay na ito ay bahagi lamang ng “psychological warfare” ng Israel at US.