Nanawagan ng hustisya sa Bombo Radyo Dagupan ang ama ng dalagang posibleng ginahasa muna bago pinatay sa Bonuan BlueBeach subdivision dito sa lungsod ng Dagupan .
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Ginoong Bernard Saplan ama ng biktimang si Bernadeth Saplan, 18 anyos , nanawagan ito sa mga posibleng nakakita sa insedente na lumantad na at dumulog sa Bombo Radyo Dagupan at kapulisan .
Sinuman din aniya ang nakakakilala sa nasa likod ng krimen ay lumantad na para makamit ang nararapat na hustisya sa anak.
Hindi umano nila lubos akalain na doon magtatapos ang buhay ng kaniyang 18 anyos na anak.
Matatandaan na natagpuan Linggo ng umaga ang bangkay ng biktima kung saan nakataas na ang bra nito at nakababa ang kaniyang underwear.
Sabado ng gabi ng bigo itong makauwi sa kanilang tahanan hanggang sa matagpuan na itong wala ng buhay na hinihinalang ginahasa muna bago pinatay.