Dagupan City – Ihahatid ni San Carlos City Mayor Julier C. Resuello ang kanyang State of the City Address o SOCA 2026 ngayong Biyernes.
Sa naturang ulat, ibabahagi ng alkalde ang mga naging accomplishments ng lokal na pamahalaan, kabilang ang mga programa at proyektong naisakatuparan para sa lungsod.
Tatalakayin din ni Mayor Resuello ang mga patuloy na programa at iba pang mga hakbang ng pamahalaang lungsod na layong tugunan ang mga pangangailangan ng mga residente.
Bahagi rin ng kanyang ulat ang mga ginagawa at ipinagpapatuloy ng administrasyon bilang bahagi ng pagpapaunlad ng San Carlos City.
Sa pamamagitan ng State of the City Address, ilalahad ng alkalde ang naging takbo ng kanyang administrasyon, pati na ang mga programa at proyektong patuloy na isinusulong ng lokal na pamahalaan.
Inaasahan ding magiging bahagi ng SOCA ang pagbabahagi ng mga susunod na hakbang at prayoridad ng pamahalaang lungsod upang maipagpatuloy ang mga programa at serbisyo para sa mga mamamayan.
Isasagawa ang State of the City Address ni Mayor Julier C. Resuello ngayong Oktubre nuwebe.










