DAGUPAN CITY- Patuloy ang pag-angat ng Filipina tennis star na si Alex Eala sa Lexus Eastbourne Open sa Great Britain matapos niyang talunin si Dayana Yastremska ng Ukraine sa dalawang sets, 6-1 at 6-2, sa quarterfinals.
Si Eala, na kasalukuyang nasa ika-68 pwesto sa world rankings, ay nagpakitang-gilas laban sa World No. 42 na si Yastremska sa loob lamang ng isang oras at anim na minuto upang makuha ang panalo.
Matapos ang dominanteng panalo sa unang set na 6-1, mabilis siyang umungos sa ikalawang set, nauuna ng 3-0.
Nagpakita ng defense si Yastremska nang manalo ng dalawang laro mula sa susunod na tatlong laro, ngunit pinigil ni Eala ito sa pamamagitan ng panalo sa susunod na dalawang laro upang tapusin ang laban.
Nakamit ni Eala ang 27 service points, kumpara sa 14 ni Yastremska, habang sa receiving points ay 30 laban sa 23.
Mas marami ring unforced errors ang kalaban, 24 kumpara sa 10 ni Eala.