Dagupan City – Walang pang naitalang paglabag sa Commission on Elections o Comelec gun ban Gun Ban sa bayan ng Aguilar.

Ayon kay PMAJ. Mark Ryan Taminaya, Officer-in-Charge ng Aguilar PNP, wala pang naitalang lumabag sa Comelec gun ban simula nang ipatupad ito kasabay ng pinaigting na checkpoint operations sa kanilang nasasakupan.

Aniya, ito’y dahil na rin sa patuloy nilang pinalalakas ang presensya ng kapulisan upang matiyak ang seguridad at maiwasan ang anumang banta sa kapayapaan.

--Ads--

Dagdag pa niya, sa kabila ng ilang naitalang insidente noong mga nakaraang eleksyon, tulad ng pamamaril noong barangay elections, ito ay mga hiwalay na kaso lamang at hindi sumasalamin sa pangkalahatang sitwasyon ng bayan, na nananatiling mapayapa sa usaping elektoral.