Ipinaliwanag ni US Doctor and Natural Medicine Advocate Dr. Glenn Soriano ang konsepto hinggil sa gout bilang isang uri ng arthritis na nagdudulot ng pamamaga at pananakit ng mga kasukasuan dahil sa pamumuo ng tinatawag na uric acid crystals.
Ayon kay Soriano, tumataasa umano ang uric acid ng isang taon kapag nagiging sobra ang produksyon nito sa katawan o hindi sapat ang kakayahan ng kidneys upang bawasan o alisin ito.
Kaugnay nito, maaari rin umanong maging epekto ng mga kondisyong may kinalaman sa diabetes at high blood pressure na may direktang epekto sa paggana ng kidneys.
Binigyang-diin nanman ng doktor ang kahalagahan ng regular na ehersiyson, aktibon pamumuhay at disiplina sa pagkain kabilang ang limitadong pagkain ng mga pagkaing may mataas na purine at pag-inom ng mga inuming may alkohol habang maaari namang isama sa pagkain ang dairy products at soy milk bilang bahagi ng wastong dietary management.
Dagdag pa ni Soriano, may posibilidad na makontrol ang gout sa pamamagitan ng wastong pangangalaga at pagbabago sa lifestyle at nagbabalang ang pagpapabaya sa kondisyon ay maaaring magdulot ng matinding pananakit at limitasyon sa pagkilos.










