Tinanggap ni Davao City 1st District Representative Paolo “Pulong” Duterte ang desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang mga petisyong kumukuwestiyon sa pag-aresto at pagkakakulong sa dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Pulong, masakit man para sa kanilang pamilya ang naging pasya ng Korte Suprema, kailangan nila itong tanggapin bilang paggalang sa kapasyahan ng pinakamataas na hukuman sa bansa.

Gayunman, iginiit niya ang kahalagahan ng soberanya ng Pilipinas, pananagutan, at pangangalaga sa karapatan ng bawat Pilipino. Ipinahayag din niya ang pagkadismaya na hindi napagpasiyahan kung legal o ilegal ang pag-aresto sa kanyang ama.

--Ads--

Binigyang-diin din ni Pulong ang pag-asang wala nang ibang Pilipino ang makaranas ng parehong sitwasyon at walang pamilyang muling magdusa dahil sa pagkakakulong ng kanilang mahal sa buhay dahil sa mga kadahilanang politikal.