Tuluyan ng pinasabog ng US Army ang nasa mahigit limang toneladang pampasabog sa Estado ng Iowa.
Makikita ang nasa 4,500 kilogram ng lead azide isang lead base explosive na ginagamit ng mga military sa kanilang bala mula pa noong World War 1.
Ang nasabing hakbang ay kinontra ng mga environmental groups dahil ang pagsabog ay maaring maglabas ng mga kemikal na ito ay mapupunta sa kabahayan, pananim at mga alagang hayop.
Bago ang pagpapasabog sa Iowa Army Ammunition Plant ay nagdeklara na si Republican Governor Kim Reynolds ng disaster emergency sa kaniyang nasasakupan.
Una ng ipinaliwanag ni Assistant Secretary of the Army Jordan Gillis na kanilang ginawan ng paraan para hindi kumalat pa ang mga kemikal o particles mula sa nasabing pagsabog.
Naramdaman ang pagyanig ng pagsabog sa Des Moines County na sumasakop sa Burlington City at Middletown.










