Kinilala ang lokal na pamahalaan ng Lingayen matapos makamit ang Seal of Child-Friendly Local Governance bilang pagkilala sa patuloy nitong pagsusulong ng karapatan, kapakanan at proteksiyon ng mga bata sa kanilang komunidad.
Ipinapakita ng naturang pagkilala ang pagsisikap ng lokal na pamahalaan na palakasin ang mga programa at serbisyong naglalayong matiyak ang kaligtasan, maayos na edukasyon at pantay na oportunidad para sa mga kabataan.
Bahagi rin ng pagkilalang ito ang patuloy na pagpapatupad ng mga hakbangin upang makabuo ng isang ligtas, inklusibo at child-friendly na pamayanan kung saan napangangalagaan ang karapatan ng bawat bata.
Ayon sa lokal na pamahalaan, magsisilbi itong inspirasyon upang higit pang paigtingin ang mga programa at serbisyong nakatuon sa paglikha ng mas maliwanag at maayos na kinabukasan para sa bawat batang Lingayenense.










