Dagupan City – Patuloy na inilalapit ng Pamahalaang Bayan ng San Quintin, sa pangunguna ni Mayor Farah Lee M. Lumahan, ang mga pangunahing serbisyong panlipunan sa pamamagitan ng pagdaraos ng buwanang libreng serbisyo ng Social Security System (SSS) para sa mga residente.
Layunin ng programang ito na gawing mas mabilis, maginhawa, at abot-kamay ang mga transaksyon sa SSS upang hindi na kailanganing bumiyahe nang malayo o gumastos nang malaki ng mga residente para lamang maasikaso ang kanilang mga benepisyo at kontribusyon.
Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, mas nagiging madali para sa mga manggagawa, negosyante, at miyembro ng komunidad ang pag-asikaso sa kanilang mga pangangailangang pinansyal at panlipunan.
Inaanyayahan ng lokal na pamahalaan ang lahat ng mga residente sa bayan na samantalahin ang buwanang programang ito at antabayanan ang mga opisyal na anunsyo para sa eksaktong petsa, oras, at mga kakailanganing dokumento.
LOCAL: Mahigit isang libong CDM Contingent ng PRO 1, Binigyan ng ‘Heroes’ Welcome’ Matapos ang matagumpay na misyon sa ASEAN Summit 2026










