Dagupan City – Binigyan ng isang Heroes’ Welcome ng Police Regional Office 1 (PRO 1), sa pangunguna ni Regional Director PBGEN Crisaleo R. Tolentino, ang kanilang Civil Disturbance Management (CDM) contingent noong November 19, 2026.
Ito ay matapos ang matagumpay na pagtupad ng mga ito sa kanilang security deployment para sa ASEAN Summit 2026.
Sa isinagawang seremonya, pinuri ni PBGEN Tolentino ang mga nagbalik na pulis dahil sa kanilang ipinamalas na disiplina at dedikasyon sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan sa nasabing pandaigdigang pagtitipon.
Nagpaabot din ng pasasalamat ang heneral sa mga ground commander, support staff, at sa mga pamilya ng mga pulis na nagsilbing inspirasyon at suporta habang nasa malayong misyon ang mga ito.
Ang naturang contingent ay pinamunuan ni PCOL Fidel De Guzman Junio, Force Commander ng Regional Mobile Force Battalion 1 (RMFB1), na gumabay sa tropa upang mapanatili ang kapayapaan sa buong panahon ng kanilang deployment.
Ang pagbibigay-pugay ay nagsisilbing pagkilala ng PRO 1 sa sakripisyo, propesyonalismo, at karangalang dinala ng mga pulis mula sa Rehiyon 1 sa isang mahalagang pambansang tungkulin.










