Muling pinagtibay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang matagal nang pagkakaibigan at alyansa ng Pilipinas at Estados Unidos sa kanyang talumpati sa state luncheon para kay US President Donald Trump sa Malacañang nitong Nobyembre 18, 2026.
Binigyang-diin ni Marcos na makabuluhan ang pagbisita ni Trump dahil kasabay ito ng paggunita sa ika-80 anibersaryo ng diplomatikong ugnayan ng dalawang bansa at ika-75 anibersaryo naman ng Mutual Defense Treaty.
Ayon sa Pangulo, hindi lamang depensa at seguridad ang saklaw ng kanilang ugnayan, kundi pati kalakalan, pamumuhunan, enerhiya, teknolohiya, edukasyon, at pagpapalakas ng supply chains.
Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng matagal nang pagkakaibigan, tiwala, at pagtutulungan ng dalawang bansa, na inaasahang lalo pang mapatitibay sa pagbisita ng lider ng Amerika sa babnsa.
Umaasa si Marcos na magbubukas ito ng mas maraming oportunidad para sa mas matatag na partnership, gayundin sa kapayapaan, seguridad, at kaunlaran ng dalawang bansa.










