Tinamaan ang isang barkong nagdadala ng liquefied petroleum gas (LPG) sa Black Sea nitong Martes, ayon sa mga awtoridad ng Bulgaria at management company ng barko. Isa ito sa mga serye ng insidenteng pinaniniwalaang may kaugnayan sa digmaan sa Ukraine.
Ayon sa pahayag ng Bulgarian Defense Ministry, nasagip ang 19 na tripulante ng barkong Gas Husky.
Sinabi naman ng Greek management company na Stealth Maritime na tinamaan ang barko noong madaling-araw habang naglalayag sa Black Sea, sa loob ng exclusive economic zone ng Bulgaria. Gayunman, hindi tinukoy ng kumpanya kung ano ang tumama sa barko.
Ayon sa ministeryo, naglalayag sa ilalim ng bandila ng Liberia ang gas carrier at nagdadala ng 3,400 tonelada ng liquefied petroleum gas (LPG) mula Egypt patungong Romania. May sakay itong 19 na Pilipinong tripulante.
Nasa 14 na commercial vessel na ang tinamaan ng mga drone sa Black Sea, malapit sa Romania at Bulgaria, mula pa noong unang bahagi ng Oktubre. Mahigit 30 mandaragat naman ang nasawi o nawawala dahil sa mga insidente.
Nailigtas naman ng bulgarian transport ministry ang 12 tripulante mula sa Betul 8, na may dala ng bulto-bultong trigo mula sa Romania, Egypt. | Via Kim de Guzman








