Walang naitalang nasaktan o nasawi sa sunog na tumupok sa isang bahay sa bayan ng Sta. Maria nitong gabi ng Linggo, Nobyembre 15, 2026.
Ayon sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay FCInsp. Jun Eland Wanawan, OIC Provincial Fire Marshal ng Bureu of Fire Protection (BFP) Pangasinan, alas 9:40 ng gabi nang makatanggap umano ang himpilan ng Sta. Maria Fire Station ng tawag hinggil sa isang residnetial fire sa nasabing bayan.
Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng BFP Sta. Maria kasama ang iba pang fire station sa karatig-bayan kung saan naapula ang sunog bandang 10:12 ng gabi.
Kinumpirma ni Wanawan na bukod sa kawalan ng naitalang pagkasawi ay wala ring naitalang halaga ng pinsala sa insidente.
Kasalukuyang iniimbestigahan pa posibleng sanhi ng sunog kabilang ang residential structure kung saan aniya ay gawa umano sa pinaghalong kongkreto at light materials ang bahay na pinangyarihan ng sunog.
Samantala, pinaalalahanan ni Wanawan ang publiko na iwasan ang paggawa ng ilegal na paputok, bumili lamang sa mga awtorisadong tindahan at tiyaking pasado sa pagsusuri ng DTI ang mga Christmas decoration upang maiwasan ang sunog at iba pang aksidente.










