Tuloy-tuloy ang pagbibigay ng legal assistance at humanitarian aid para sa humigit-kumulang 300 indibiduwal na inaresto sa isinagawang kilos-protesta kasabay ng ASEAN Summit nitong Linggo, Nobyembre 15, 2026 at kasalukuyang nakadetine sa Camp Bagong Diwa.
Ayon kay Atty. Man Hernando ng Pro-Labor Legal Assistance Center (PLACE), patuloy umano ang isinasagawang pagdodokomento sa mga salaysay ng mga naaresto kasabay ng paghahanda ng pulisya sa mga kasong posibleng isampa laban sa mga ito.
Ibinahagi rin ni Hernando na may mga napabilang umanong menor de edad sa mga naaresto kung saan patuloy nilang iginigiit na dapat agad mapalaya at mabigyan ng kaukulang legal at humanitarian assistance ang mga ito.
Iginiit naman ni Hernando na walang nilabag na batas ang mga inaresto dahil karapatan umano ng bawat Pilipino ang pagsasagawa ng mapayapang pagtitipon upang magpahayag ng saloobin o hinaing alinsunod sa Freedom of Assembly at Freefom of Expression sa konstitusyon ng bansa.
Samantala, tintignan din ng kanilang grupo ang posibleng maging pananagutan ng ma pulis na umano’y nanakit at nang-abuso sa ilang mga raliyistang nagtampo ng sugat habang inaaresto.
Hinimok naman ni Hernando ang mga abogado at iba pang nais tumulong na makipag-ugnayan sa kanila partikular para sa legal representation ng mga nadakil habang nananawagan sa pamahalaan na tiyakin ang paggalang sa karapatan ng mga raliyista at palayain ang mga inaresto sa halip na ituloy pa ang pagsaasampa ng mga kaso.










