Dagupan City – Muling naging tampok na pasyalan ang Dipalo Eco Park matapos itong dagsain ng maraming bisita mula sa bayan ng San Quintin at mga karatig-bayan, kasabay ng naranasang power interruption sa ilang bayan sa parte ng eastern Pangasinan.
Sa halip na mainip sa kani-kanilang tahanan dahil sa pansamantalang pagkawala ng suplay ng kuryente, pinili ng maraming residente at turista na magtungo sa naturang eco park upang magpalamig at magpahinga.
Naging pagkakataon ito para sa mga pamilya at magkakaibigan na magsama-sama, maglibang, at namnamin ang maaliwalas na kapaligiran at ganda ng likas na yaman na ipinagmamalaki ng San Quintin.
Patunay lamang ang buhos ng mga tao na patuloy na dinarayo ng publiko ang Dipalo Eco Park bilang isa sa pinagmamalaking destinasyon sa nasabing bayan.










