Dagupan City – Nagsagawa ng coordination meeting ang lokal na pamahalaan ng San Fabian, Pangasinan para sa paghahanda ng Town Fiesta 2027.
Isinagawa ang pulong noong sa ikalawang palapag ng MDRRMO Building. Dinaluhan ito ng iba’t ibang stakeholders mula sa pamahalaan at pribadong sektor na katuwang sa pagdiriwang.
Kasama sa mga dumalo ang mga kinatawan mula sa Department of Education, Philippine National Police, Maritime, Philippine Coast Guard, at Bureau of Fire Protection.
Dumalo rin ang mga department at section heads ng lokal na pamahalaan, mga kinatawan ng civil society organizations, at iba pang katuwang sa paghahanda ng pista.
Layunin ng pulong na pag-ugnayin ang mga komite at organisasyon para sa maayos na pagsasagawa ng bawat aktibidad.
Tinalakay sa pulong ang update sa pamamahagi ng raffle tickets sa Cluster 1, 2, at 3, at ang tentative schedule ng iba’t ibang aktibidad.
Nakatakdang isagawa ang pagdiriwang mula Enero 11 hanggang Enero 24, 2027, bagama’t nilinaw na maaari pang magkaroon ng pagbabago sa mga petsa at iskedyul dahil hindi pa ito pinal.
Tinalakay din ang programa at mga aktibidad para sa first at last canvassing ng Mrs. San Fabian 2027, gayundin ang mga alituntunin at mekanismo para sa popularity contest.
Nagbigay rin ng kani-kanilang updates ang mga event organizers hinggil sa paghahanda at mga planong aktibidad na kanilang pangangasiwaan.
Sa kabuuan, layunin ng pagpupulong na matiyak ang maagang paghahanda, maayos na koordinasyon, at maayos na pagsasagawa ng bawat aktibidad para sa nalalapit na Town Fiesta 2027 ng Bayan ng San Fabian.










