Nagtala ng ika-11 sunod na panalo ang San Antonio Spurs matapos dominahin ang Golden State Warriors, 123-85, sa kanilang paghaharap sa NBA Cup nitong Biyernes.

Pinangunahan ni Stephon Castle ang Spurs matapos magtala ng season-high na 32 puntos, kabilang ang career-high-tying na limang three-point shots. Nagtala naman si Victor Wembanyama ng 12 puntos at 12 rebounds, habang nagdagdag si Keldon Johnson ng 18 puntos.

Agad na ipinamalas ng San Antonio ang dominasyon matapos magtala ng 18 sunod-sunod na puntos sa unang apat na minuto at 29 segundo ng laro.

Ito na ang pinakamahabang sunod-sunod na puntos na naitala sa pagsisimula ng isang laban mula nang simulan ng NBA ang play-by-play tracking noong 1996-1997 season.

Dahil dito, nagtapos ang unang quarter sa 38-14 na kalamangan ng Spurs, bago lalo pang lumobo sa 30 puntos ang kanilang lamang sa pagtatapos ng first half, 63-33.

Samantala, pinangunahan ni LJ Cryer ang Golden State Warriors sa pamamagitan ng 19 puntos, habang nagtala si Charles Bassey ng 11 puntos.

Hindi naman naging maganda ang naging laro ni rookie Yaxel Lendeborg matapos makapagtala lamang ng tatlong puntos mula sa 13 attempts sa field.

Hindi rin nakapaglaro si Warriors star guard Stephen Curry dahil sa injury na right oblique tear.

Sa kabila nito, naitala ng Spurs ang kanilang ika-11 sunod na panalo matapos magsimula ang season sa dalawang magkakasunod na pagkatalo, habang ikalawang sunod namang kabiguan ito para sa Golden State Warriors.

--Ads--