Walang magiging sagabal at tuloy na tuloy pa rin ang gagawing pagbisita ni US President Donald Trump sa bansa para sa pagdalo nito sa 49th ASEAN Summit.
Sinabi ni United States, Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez, na kahit nagkaroon ng aberya ang mga paliparan sa US ay matutuloy pa rin ito.
Pagbisita ng US President ay idinadaan sa iba’t-ibang level ng security arrangements kung saan ang US Secret Service ang siyang nangangasiwa ng kabuuang proteksyon ni Trump.
Wala din aniyang abiso mula sa Secret Service kaya ito ay talagang matutuloy na.
Ang nasabing pahayag ng Philippine ambassador ay kasunod ng ipag-utos ng US Federal Aviation Administration (FAA) ang nationwide ground stop.
Dahil dito ay nagresulta ng pansamantalang pagtigil ng mga flights.
Nagresulta ito sa pagkakaantala ng nasa 7,000 na flights sa US.










