Agad nakipagpulong si Canadian Canadian Prime Minister Mark Carney kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ilang minuto matapos siyang dumating sa Pilipinas.

Nagsagawa ang dalawang lider ng bilateral meeting sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay kung saan kabilang sa mga tinalakay ang tungkol sa trade relations o kalakalan sa pagitan ng dalawang bansa.

Kung babalikan, huling nagpulong ang dalawang lider noong July 2026 nang bumisita si Pang. Marcos sa Canada.

--Ads--

Kabilang sa mga pangunahing isinusulong ng dalawang bansa ay ang Philippines-Canada Free Trade Agreement, isa sa mga measure na nakikitang magpapalakas sa kalakalan at kabuhayan.

Sa pagtatapos ng pulong, inanunsyo ng dalawang lider na pormal nang nagkasundo ang Pilipinas at Canada para sa isang free trade agreement o kasunduan sa malayang kalakalan.

Dati na ring pinag-uusapan ng PH at ng Canado ang pagtutulungan sa larangan ng ekonomiya, depensa, seguridad, enerhiya, at ugnayan ng mga mamamayan (people-to-people exchanges).

Maliban sa bilateral meeting ngayong araw, inaasahan ding hiwalay na makikipag-usap si PM Carney sa mbuong ASEAN bloc para sa pagsusulong sa free trade agreement sa pagitan ng Canada at ng mga miyembro ng organisasyon.