Dagupan City – Nakatakdang tumanggap ng combine harvester na nagkakahalaga ng P1.79 milyon ang Anolid Guantang Farmers Association sa Mangaldan, Pangasinan mula sa Department of Agriculture.
Nilagdaan ang Memorandum of Agreement sa pagitan ng asosasyon at ng Department of Agriculture – Philippine Postharvest and Mechanization sa Pangasinan Research and Experiment Center sa Sta. Barbara, Pangasinan.
Dinaluhan ang MOA signing ng mga kinatawan ng Municipal Agriculture Office at ng pamunuan ng asosasyon sa pangunguna ni Ronnie Tanate, bilang saksi sa pormal na pagkakaloob ng makinarya.
Inaasahang nasa 143 magsasaka mula sa Anolid ang makikinabang sa bagong makinarya na layong mapabilis at mapagaan ang proseso ng pag-aani ng palay.
Sa ilalim ng kasunduan, inaasahang maayos na magagamit at maalagaan ng asosasyon ang makinarya upang mapakinabangan ito nang pangmatagalan.
Patuloy ang koordinasyon ng lokal na pamahalaan sa Department of Agriculture upang makapaghatid ng karagdagang suporta at tulong para sa mga magsasaka sa bayan.
Home Local News Mga magsasaka ng Anolid sa Mangaldan, tatanggap ng mahigit P1.7-M combine harvester...










