“Total failure” para sa panig ng prosecution ang presentasyon ng Depensa ni VP Sara kasunod ng pagharap ng kanilang unang testigo na si Davao City Assessor Engr. Jaime Adalin na hindi direktang sinagot ang mga tanong ng prosecution at tila iniwasan ang mahahalagang usapin na kailangang patunayan sa korte.
Ayon kay Prosecution Spokesperson at dating Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, sa mga naging tugon ni Adalin, ipinapakita lamang ng testigo ng depensa na hindi matitibag ang bigat ng ebidensiya na iniharap ng Prosecution laban kay VP Sara kaugnay sa unexplained wealth allegations.
Batay sa naging assessment ng Prosecution isang weak witness ang iniharap ng depensa at tila may selective amnesia.
Sinabi ni Barbers na posibleng makasuhan ng perjury ang mga testigo ng depensa kapag puro kasinungalingan ang kanilang sasabihin sa korte.









