Tinalakay ang ilang mahahalagang paalala at anunsyo para sa mga kawani at mamamayan sa isinagawang flag raising ceremony ng lokal na pamahalaan ng Mapandan nitong Lunes, Nobyembre 9.

Nagbigay ng ulat-panahon si MDRRMO Head Maian Jen Arguelles at pinaalalahanan ang lahat na uminom ng sapat na tubig at magdala ng panangga laban sa init ngayong linggo bilang pag-iingat sa mainit na panahon.

Samantala, inanunsyo ni Kristelle Quinto-Soriano ng Municipal Civil Registry Office ang nalalapit na National ID Registration na magbibigay ng pagkakataon sa mga mamamayan na makapagparehistro para sa kanilang National ID.

--Ads--

Pinangunahan naman ni Ramil S. De Vera ng Municipal Social Welfare and Development Office ang Panatang Makabata bilang pagpapahayag ng suporta sa pagtataguyod ng mga karapatan at kapakanan ng mga bata.

Ibinahagi rin ni Mayor Karl Christian F. Vega ang pagkakagawad sa kanya ng 2026 Philippines Choice Award for Outstanding Mayor of the Year noong Nobyembre 7.

Naging pagkakataon ang pagtitipon upang maipabatid sa mga kawani ang mga paalala tungkol sa kalusugan, mahahalagang serbisyo ng pamahalaan, at mga usaping may kaugnayan sa kapakanan ng komunidad.