Tinitiyak ng Lingayen Police Station na may nakatalagang mga pulis sa paligid ng mga paaralan upang bantayan ang pagpasok at paglabas ng mga estudyante.

Ayon kay PMAJ Mark Joel Medios, Deputy Chief ng Lingayen Police Station, nagkakaroon ng police visibility tuwing umaga, tanghali at hapon, kasabay ng oras ng pagpasok at uwian ng mga mag-aaral.

Nakikipagtulungan din ang pulisya sa mga opisyal ng barangay at mga barangay tanod upang mas mabantayan ang paligid ng mga paaralan.

--Ads--

Paliwanag ni Medios, bagama’t may mga insidenteng maaari pa ring mangyari, hindi nangangahulugang napapabayaan ng mga awtoridad ang seguridad ng mga estudyante.

Patuloy namang hinihikayat ng pulisya ang mga paaralan at mga magulang na makipagtulungan sa mga awtoridad upang masiguro ang kaligtasan ng mga estudyante, lalo na sa oras ng kanilang pagpasok at pag-uwi.