Dagupan City – Pinaigting ng Calasiao Police Station ang pagbabantay sa mga kalsada sa pamamagitan ng pagsasagawa ng serye ng PNP checkpoints sa apat na magkakaibang lugar sa bayan nitong Nobyembre 8.
Nagsimula ang operasyon sa Barangay Poblacion East mula 7:00 hanggang 8:00 AM, sinundan sa Barangay Nalsian mula 11:00 AM hanggang 12:00 NN.
Muling nagsagawa ng checkpoint ang mga pulis sa Barangay Lumbang mula 3:00 hanggang 4:00 PM at sa Barangay Bued naman mula 7:00 hanggang 8:00 PM.
Pinangunahan ang mga aktibidad ni PCAPT Julfre E. Ayson, team leader, sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL Daryl V. Nevado, Officer-in-Charge ng Calasiao Police Station.
Sa pamamagitan ng mga checkpoint, nagsasagawa ang pulisya ng pagbabantay sa mga dumaraang motorista at nagpapaalala sa publiko na sumunod sa batas at makipagtulungan sa mga awtoridad.
Hinikayat din ang lahat ng bumibiyahe sa mga kalsada ng Calasiao na sundin ang mga alituntunin upang makatulong sa pagpapanatili ng maayos, ligtas at mapayapang paglalakbay sa bayan.










