Patuloy na isinusulong ng City Nutrition Office ng San Carlos City ang wastong nutrisyon sa pamamagitan ng programang Meals on Wheels, na nagsagawa ng feeding activity sa Barangay Magtaking.

Layunin ng programa na makapaghatid ng masustansiyang pagkain sa mga residente, lalo na sa mga nangangailangan, bilang bahagi ng pagsisikap na labanan ang malnutrisyon at itaguyod ang mas malusog na pamumuhay.

Sa pamamagitan ng mga ganitong aktibidad, patuloy na inilalapit sa bawat barangay ang mga serbisyong pangnutrisyon upang matulungan ang mga residente na magkaroon ng mas maayos na kalusugan.

--Ads--