Dagupan City – ‎Naging maayos ang pagpapatupad ng mga hakbang sa seguridad at pagbabantay sa Undas sa bayan ng San Fabian, matapos walang maiulat na insidente sa paggunita ng Araw ng mga Patay at Araw ng mga Santo.
‎
‎Ayon kay Engr. Lope Juguilon, hepe ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO ng San Fabian, itinaas sa heightened alert ang bayan simula Oktubre 31 bilang paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga taong bibisita sa mga sementeryo.
‎
‎Dagdag niya nasa 7-10 percent lang umano ang dumalo sa bayan hibdi gaya noong nakaraang taon na nasa 20-25 percent.
‎
‎Nakatulong din umano ang pagkakabahagi o distribusyon ng mga puntod ng mga residente sa iba’t ibang lugar upang mabawasan ang pagsisikip at pagdagsa ng mga tao sa mga pangunahing sementeryo sa bayan.
‎
‎Sa kabila ng pagdaraos ng Undas, walang naitalang anumang insidente batay sa ulat ng lokal na disaster management office.
‎
‎Patuloy namang bahagi ng paghahanda ng lokal na pamahalaan ang pagbabantay at pagpapanatili ng kaayusan sa mga pampublikong lugar upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente at mga dumadalaw sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay.