Dagupan City – Nakatutok ngayon ang Alcala Bureau of Fire Protection (BFP) sa pagtukoy sa tunay na pinagmulan ng sunog na sumiklab sa isang bahay sa Barangay San Vicente.

Batay sa ulat, magsimula ang sunog bandang ala-una ng tanghali sa tahanan ng kinilala ng mga saksi na pagmamay-ari umano ng pamilya Oria.

Sa kasalukuyan, masusing sinusuri ng mga imbestigador ng BFP ang natupok na bahay upang matukoy kung ano ba ang nag-trigger sa apoy, pati na rin ang kabuuang halaga ng naiwang pinsala nito.

--Ads--

Wala namang naitalang nasaktan o nadamay na iba pang katabing bahay sa insidente dahil sa mabilis na pag-apula sa sunog.

Kasabay ng patuloy na imbestigasyon, muling naglabas ng babala at paalala ang BFP sa mga residente na mag-ingat laban sa mga karaniwang pinagmumulan ng sunog.

Pinayuhan ng ahensya ang publiko na tanggalin sa saksakan ang mga appliances, patayin ang mga nakasinding kandila, at tiyaking nakasara ang mga kalan bago umalis ng bahay upang maiwasan ang mga kahalintulad na insidente.