Hindi nakaugalian at karaniwang araw lamang ang paggunita sa Undas sa Sint Maarte, hindi tulad sa Pilipinas.

Ayon sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Rosalie Realon, Bombo International News Correspondent sa Sint Maarten, nananatiling walang katao-tao ang mga sementeryo sa lugar dahil hindi itinuturing na holiday ang Nobyembre 1.

Mas binibigyang pansin umano ng mga residente ang pagdiriwang ng Halloween sa pamamagitan ng mga aktibidad sa bar at mga pambata.

--Ads--

Kabilang din dito ang pagsusuot ng mga Halloween costumes, dekorasyon sa mga bahay at tindahan, at pamimigay ng mga candy at chocolates sa mga batang lumilibot sa mga kabahayan.

Sinabi rin ni Realon na pinupuntahan lamang ng mga tao ang sementeryo sa tuwing may ililibing at ang mga libingang may patong-patong na tinatawag nilang apartment ay pinapalitan ng mga panibagong labi makalipas ang limang taon.

Samantala,

Samantala, ibinahagi naman ni Realon na nami-miss umano nya ang nakagawiang paggunita ng Undas sa Pilipinas partikular ang pagluluto ng suman at iba pang kakanin na dinadala sa sementeryo, kasama ang mga bulaklak at kandilang iniaalay sa mga yumaong mahal sa buhay.

Paalala naman niya sa mga Pilipino na laging mag-ingat at huwag kalimutang magdasal araw-araw.