Dagupan City – Masayang nakibahagi ang LGU Sison sa isinagawang oryentasyon para sa mga benepisyaryo ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Sa naging mensahe ng alkalde sa aktibidad, binigyang-diin nito ang mga mahalagang paalala at gabay ukol sa nararapat na tungkulin at gawain ng bawat benepisyaryo upang masiguro ang maayos, ligtas, at makabuluhang paglilingkod sa bayan.
Naging matagumpay ang daloy ng aktibidad sa pangunguna ng DOLE at ng mga TUPAD Coordinators mula sa Rosales, Pangasinan.
Naging katuwang din sa maayos na oryentasyon ang opisyal ng Public Employment Service Office (PESO) sa bayan kasama ang kanyang masisipag na kawani.
Ang programang TUPAD ay patuloy na nagbibigay ng pansamantalang pangkabuhayan at tulong pinansyal sa mga mamamayang nangangailangan sa pamamagitan ng iba’t ibang gawaing pangkumunidad.










